Teka, ano nga ba ang tagulaylay?
Ang daming nagtanong sakin niyan simula nung naki-endorse ako. At ang laging sagot ko ay, "MALALAMAN MO DIN SA AGOSTO 23!" na naging 28, na naging 30 :))
Sasagutin ko na ba sa wakas ang tanong na iyan? Hindi pa. Abangan sa dulo ng blogpost ko. Wag atat. Wag i-google. Wag i-scroll sa dulo. Basahin muna ang laman nitong post na ito (dahil pinangako ko sa sarili ko na magpopost ako tungkol dito :))) )
TAO.
Simulan natin sa kanilang rehearsals.
Una kong nakilala ang klase ng teatro nuong June 22, 2013 dahil ako ay nagpa-acting workshop :)
Simula nuon ay lagi na akong umeepal sa kanilang mga rehearsal :)
Minsan naman ay naiimbitahan ako ng director nila para mag-critique ako
Pero after mga 2 or 4 critiques ay nanahimik nalamang ako sa gilid :))
Mayroong mga nagpapaturo sakin tulad ni Diablo. Nung mga panahong nasa audi na sila, andun kami sa labas at pinapractice ang kanyang kaartehan :))
Kadalasan epal ako :))
Pero minsan naman ay may naitutulong ako :)) naging "spinner" ako. Medyo bago sa aking pandinig dahil ang tawag lang naman namin dati sa spinner ay "taga-play ng music" Oha, sosyal ang lola mo :))
nagpintura ako ng props, naging spotter, naging runner,
Ay bwiset nag-share pa ng mga ginawa. HAHA. The Making nga diba? Tss. Nobe talaga.
GOING BACK.
Ayan, ayan ang class nila, habang nagrerehearsals ay mapapansin mo talaga ang dedication ng karamihan. Makikita mong tumatagaktak (wow, big word) ang kanilang mga pawis para lamang mai-perfect ang play.
Araw araw sila ay pagod, sila ay nasasabihan, ang iba, umaayaw na. Pero go parin ng go. Halatang mahirap ang ginagawa nila dahil ang play nila ay hindi pang college level kundi pang professional na! OHA.
Hanga rin ako sakanila dahil napakarami nilang mga karakter pero, PERO, hindi sila nanghiram ni ISA sa labas para maki-arte. Sila lahat yun! Tapos may mga dumodoble pa! San ka pa! Di mo pa mahahalata na dumoble dahil nagawan nila ng karakter ang mga character (am I getting across? HAHA)
Tapos, ang dami ngang karakter, di sila nanghiram, at eto pa! MGA TALENTADO silang lahat! (Pangit pakinggan. haha) But I swear, napaka talented nilang lahat. May sari-sarili silang kakayahan na talagang kamamanghaan ng mga nakaka-witness.
At, alam niyo ba, ang dami ring nangyaring conflict. Tsk tsk tsk. Una ang pag-move ng play dahil sa kasuklam suklam na si Maring! Nako po. 2 times namove! (Oh my!) But did that stop them? NO NO NO NO NO. Yung iba... wag na nating pag-usapan. hihi.
Kahit ang daming naging problema, juscopo, kung napanuod mo ang play, dun mo makikita, na IT'S ALL WORTH IT.
Speaking of their play, abangan sa susunod na blogpost ang mismong play nila. TAO: ISANG TAGULAYLAY!
-out-


No comments:
Post a Comment